Hinihikayat ng Task Force El Niño ang mga apektadong bayan o local government unit (LGU) na lubha na ang tinatamong pinsala dahil sa tag-tuyot, na magdeklara na ng State of Calamity sa kanilang lugar.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni Asec. Joey Villarama na sa ilalim ng deklarasyong ito, matri-trigger ang mekanismo para sa pagbibigay ng tulong ng National Government.
Halimbawa aniya ang dalawang bayan sa Mindoro Occidental at Oriental na nagdeklara ng State of Calamity, dahil sa epekto ng tag-tuyot, bukod sa tulong mula sa kanilang LGU, dito na papasok ang tulong na manggagaling sa Quick Response Fund (QRF), para sa rehabilitasyon ng kanilang agri land, at additional farm inputs.
Ieendorso rin aniya ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa cash assistance at cash for work program ng Department of Social Welfare Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Nagpaabot na rin aniya ang DA ng ₱5, 000 rice assistance at fuel subsidy.
“At kung naka-ensure o ang inyoo ng sakahan, makatatanggap kayo ng kaakibat na tulong, at the same time dahil nag-declare ng state of calamity, ang LGU mismo, makapagbibigay ng tulong in terms of in-kind sa apektadong population.” -Asec Villarama. | ulat ni Racquel Bayan