Posibleng sa Abril pa maipatupad sa Metro Manila ang mahigpit na pagbabawal na pagdaan ng mga e-vehicle sa mga pangunahing kalsada na may multang ₱2, 500 sa mga lalabag.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chair Atty. Don Artes, kailangan pa muna kasi ng 15 araw matapos mailathala sa mga pahayagan ang pagpapatupad ng resolusyon.
Maliban dito ay magkakaroon pa sila ng awareness campaign sa mga gumagamit ng e-vehicles.
Samantala, nilinaw naman ni Artes na kasama sa e-vehicles na ipinagbabawal na dumaan sa mga major road ang e-trike, e bike, kuliglig, at e-scooter.
Nasa 19 na major roads bawal na dumaan ang mga e-vehicle.
Kabilang dito ang:
Recto Avenue
President Quirino Avenue
Araneta Avenue
EDSA
Katipunan/C.P Garcia Avenu
South Metro Manila Expressway
Roxas Boulevard
Taft Avenue
SLEX
Shaw Boulevard
Ortigas Avenue
Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard
Quezon Avenue/Commonwealth Avenue
A. Bonifacio Avenue
Rizal Avenue
Mac Arthur Highway
Elliptical Road
Mindanao Avenue
Marcos Highway
| ulat ni Diane Lear