Nagtataka ang mga nagtitinda ng baboy sa Agora Public Market sa San Juan City kung bakit patuloy sa pagtaas ang presyo ng baboy gayung sapat naman ang suplay nito.
Kaya naman nangangamba sila na patuloy na magpatuloy pang tumaas ang presyo nito na magreresulta ng matumal na bentahan.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng mga nagtitinda na dati ay nakapagkakatay sila ng dalawang baboy, ngayon ay nasa isa hanggang isa’t kalahati na ang kanilang nauubos.
Magugunitang nagbabala ang Meat Importers and Traders Association sa posibleng pagtaas sa presyo ng karneng baboy, bagay na kinontra naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) dahil sobra-sobra ang inangkat na baboy ngayon.
Samantala, narito naman ang presyuhan ng karne at isda sa Agora Public Market:
Manok – ₱160/kg
Baka – ₱450/kg
Sa Isda naman:
Tamban – ₱100/kg
Galunggong – ₱160 – ₱240/kg
Bangus – ₱200 – ₱260/kg
Tilapia – ₱130/kg
| ulat ni Jaymark Dagala