Power transmission ng NGCP, hindi naapektuhan ng 5.1 magnitude na lindol sa Surigao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nananatiling normal ang serbisyo ng power transmission sa Mindanao grid sa kabila ng tumamang ng 5.1 magnitude na lindol sa Madrid, Surigao del Sur kaninang hatinggabi.

Ayon sa NGCP, wala namang naitalang power interruptions sa lugar na mai-uugnay sa nangyaring pagyanig.

Agad rin aniya silang nagsagawa ng pag-inspeksiyon pagkatapos ng lindol.

Sa ngayon ay ongoing pa rin ang assessment sa mga pasilidad sa Mindanao, partikular sa Surigao del Sur. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us