‘Overhaul’ sa K-12 curriculum, suportado ng Teachers Solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang pag-repaso at overhaul sa K-12 curriculum.

Kasunod na rin ito ng ulat ng Commission on Human Rights kung saan lumalabas na nahihirapan sa paghahanap ng trabaho ang mga bagong graduate dahil sa kawalan ng ‘soft skills’

Aniya, pinalala ng COVID-19 pandemic ang problemado nang education sector.

Sa ilalim kasi aniya ng K-12 curriculum ay napakaraming asignatura ang itunuturo ngunit tila nakaligtaan na ang mas mahahalagang subject.

Halimbawa aniya nito ang mga subject na magtuturo sana sa kanila ng kritikal na pag-iisip at kung paano ang pagharap sa kapwa.

“Now when the pandemic struck this flaw was further aggravated because there are no more face to face classes many students lacked “soft skills” — or those related to empathy, creativity, resilience, and communication — as well as practical job skills,” saad ng kinatawan.

Dahil dito dapat na aniya ayusin ang K-12 curriculum upang makabuo ng isang isang sistema ng pagtuturo na mas angkop para sa mga batang Pilipino kung saan totoong magagamit nila ang kanilang mga natututunan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

?: ACT Teachers Party-list FB page

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us