Nagpasalamat si Vice President Sara Duterte sa Philippine Association of Water Districts o PAWD sa pagsiguro nito na mabigyan ng sapat na tubig ang mamayang Pilipino sa ginanap na 45th PAWD National Convention sa SMX Convention Center, Lanang, Davao City kahapon.
Sa kanyang mensahe, hiling ng pangalawang pangulo na matugunan ng PAWD ang tatlong malalaking hamon na kinakaharap tulad ng climate change, polustin at maling pag gamit ng tubig para mapanatili ang sapat na suplay ng malinis na tubig.
Maliban sa pangalawang pangulo dumalo rin sa nasabing convention si
Ambassador of the United Kingdom of the Netherlands to the Philippines Marielle Geraedts.
Ang PAWD National Convention ay dinaluhan ng 1751 delagates mula sa 322 water districts sa buong bansa. | ulat ni Macel Dasalla | RP1 Davao