PCG, patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga hacker ng kanilang FB page

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng pagkaka-recover ng Philippine Coast Guard (PCG) sa official Facebok page nito ay patuloy pa rin ang coordination ng ahensya sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT). 

Ayon sa PCG, bagamat natukoy na nila ang mga pangalan sa likod ng hacking incident ay wala pa ring kasiguraduhan sa pagkakakilanlan ng mga hackers. 

Kaninang umaga ay inilabas ng PCG ang mga Facebook names ng mga hackers na sina Fatima Hasan, Murat Kansu, at Vicky Bates, subalit hindi pa tukoy kung ang mga ito ay totoong tao at kung ang mga ito ay magkakatulong sa pag-hack ng FB account ng PCG. 

Paliwanag ng Coast Guard maglalabas sila ng karagdagang impormasyon sa oras na matiyak na hindi nito maapektuhan ang operational security ng ahensya. 

Matatandaan na gumamit ang mga hackers ng malware para mapasok ang Facebook page’s security noong February 26, 2024 kung saan nagpo-post ang mga ito ng mga movie clips. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us