Hinimok ni House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza ang Commission on Higher Education (CHED), Professional Regulation Commission (PRC), at Board of Nursing na repasuhin ang kasalukuyang nursing curriculum.
Ito’y matapos atasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang CHED na tugunan ang kakulangan ng nurse sa bansa dahil sa migration.
Ayon kay Daza, kailangan ng komprehensibong pagtugon sa naturang isyu.
Maliban aniya sa pagbibigay ng competitive na sahod, kailangan ding silipin kung angkop pa ba ang nursing curriculum at licensure exams na ibinibigay sa nursing students.
Nakababahala aniya na mula 2017 hanggang 2022, 54.84% lamang ng nursing board examinees ang pumapasa.
“It seems that this number alone shows a glaring disparity in how nursing schools train future nurses and what the health sector requires—or it could be that even the examination system must be revisited…A 50-60% passing rate shows a lot. This means the system is not inclusive. It leaves half of the examinees feeling dejected, depriving them of the chance to practice their profession in a timelier manner,” saad ni Daza.
Maliban dito kailangan din repasuhin ang mahal na gastos para makumpleto ang nursing degree.
Mismong ang mga estudyante pa kasi ang gumagastos para sa kanilang “on-the-job training” (OJT) na hamon para sa mga nursing student na kapos sa buhay.
“This practice excludes deserving students from completing their studies because the system makes it economically impossible to do so. There’s a need for system ‘overhaul.’ We need to also deepen motivation for graduates to stay and serve the country. This can be done through initiatives similar to the “Doctors to the Barrios Program,” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes