House Tax chief, humihingi ng paliwanag sa Singaporean Embassy kaugnay sa ‘exclusivity deal’ ng ‘Taylor Swift Concert’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magpadala ng note verbale sa Singaporean Embassy at hingan ito ng paliwanag kaugnay sa “exclusivity deal” sa concert ng international pop star na si Taylor Swift.

Partikular dito ang ulat na binigyan ng “exclusivity terms” ng Singapore Tourism Board at Ministry of Culture, Community and Youth ang production company na AEG Presents na siyang nangangasiwa sa concert ni Taylor Swift.

Dito, binigyan ng Singapore government ang AEG ng $2-million to $3-million US Dollars na grant para i-host ang konsyerto pero kapalit nito ay wala nang ibang stops sa Southeast Asian leg ng tour ni Swift.

Para sa House Tax chief hindi magandang gawain ng kapitbahay na bansa kung ipagkakait sa ibang Southeast Asian countries ang pagtatanghal ng multi-awarded artist.

Aniya, sa ginawang ito ng Singapore ay tumaas ang regional demand sa hotels at airlines ng 30 percent sa panahon ng concert ng pop star at nagdulot ng pagtaas sa industry revenues ng $60-million US Dollars.

Masakit umano na ginawa ito ng Singapore na mabuting kaibigan ng Pilipinas kaya hindi dapat palampasin ang hakbang lalo’t hindi makaengganyo ng concert goers ang ibang mga bansa at kailangan pang dumayo ng mga manonood.

“I give it to them that the policy worked. Regional demand for Singaporean hotels and airlines was up 30 percent over the period. I estimate that the exclusivity term caused an increase in industry revenues by USD $60-million. So, the grant produced 30 times more in economic activity. But it was at the expense of neighboring countries, which could not attract their own foreign concert goers, and whose fans had to go to Singapore,” sabi ni Salceda.

Dahil naman dito, naniniwala ang economist solon na kailangan na ring baguhin ng Tourism Promotions Board at iba pang ahensya ang diskarte sa panghihikayat ng turista at simulan na rin ang pagtalakay sa ASEAN Trade in Services Agreement. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us