PBBM, inihayag sa harap ng Australian Parliament ang paninindigan ng Pilipinas na depensahan ang soberenya nito sa gitna ng nagpapatuloy na usapin sa South China Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa harap ng mga mambabatas at matataas na opisyal ng Australia ay ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na paninindigan nitong depensahan ang kasarinlan ng Pilipinas.

Sa naging address ng Punong Ehekutibo sa Australian Parliament, binigyang diin nito na Hindi bibigay ang Pilipinas sa usapin ng South China sea at patuloy aniyang panghahawakan ng Bansa kung ano ang itinatakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea na siyang constitution of the ocean.

Muli ring inihayag ng Chief Executive ang paninindigan nitong Hindi siya papayag na kahit isang pulgada ng teritoryo ng bansa ay mawala sa Pilipinas.

Kasabay nito’y hinikayat ng Pangulo sa kanyang address ang mga nasa parliyamento na magsama sama sa gitna ng aniya’y kasalukuyang estado sa pinag-aagawang teritoryo na umanoy under threat ang peace and stability.

Binigyang-diiin ng Presidente na hindi kakayaning tumayo ng nag- iisang puwersa lamang sa harap ng kailangang gawing pagtutol sa mga kumokontra sa rule of law.

Kaugnay nitoy pinasalamatan ng Pangulo ang Australia dahil sa aniya’y palaging naririyan at kasama ng Pilipinas sa gitna ng tindig into na may kinalaman sa karapatang nito sa pag-aaring teritoryo. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us