Nagpasalamat si Japan Self-Defense Forces Chief General Yoshihide Yoshida kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino sa imbitasyon para dumalo sa closing ceremonies ng ongoing na RP-US Balikatan 38 – 2023 Joint Military Exercise.
Ito’y sa pag-uusap ng dalawang heneral sa pamamagitan ng video teleconference kahapon.
Dito’y pinuri ni Gen. Yoshida si Gen. Centino sa kaniyang pagsisikap na magtatag ng magandang pundasyon ng kooperasyon sa pagitan ng mga magkaalyadong bansa.
Nagpasalamat naman si Gen. Centino kay Yoshida sa tulong ng Japan sa modernisasyon ng AFP, partikular sa pagkuha ng helicopter spare parts, surveillance planes, at radar systems.
Kapwa nagpahayag ang dalawang heneral ng kumpiyansa sa magandang hinarap ng relasyong militar ng Pilipinas at Japan tungo sa isang malaya at bukas na indo-Pacific Region. | ulat ni Leo Sarne
?: Sgt Ambay/PAO, AFP & JSDF