Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mangingisdang naapektuhan ng shear line sa Camarines Sur.
Ayon sa DSWD, nasa 250 shear line-affected fisherfolk sa Santa Elena, Camarines Sur ang tumanggap ng tig-P3,000 cash aid mula sa DSWD Field Office-5 (Bicol Region).
Ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng ahensya na layong tulungan ang mga benepisyaryong naapektuhan ng krisis.
Bukod sa cash aid, nagpaabot na rin ang ahensya ng 119,000 family food packs (FFPs) at 200 non-food items na katumbas ng P84.6 milyon sa mga apektadong mangingisda sa rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD