Hindi pinapayagan ng Konstitusyon na maging empleyado ng gobyerno ang sinumang foreigner o dayuhan.
Ito ang opinyon na inilabas ng Department of Justice matapos hilingin ng Malacañang.
Base sa legal opinion ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na may patnubay ni Secretary Jesus Crispin Remulla, bawal italaga sa anumang sangay ng pamahalaan kahit pa Government Owned andControlled Corporation.
Nag-ugat ang legal opinion ng DOJ matapos magpadala ng sulat si Senior Undersecretary at Head ng Presidential Management Staff Elain Masukat para tanungin kung dapat bang maglagay ng isang Independent Director na dayuhan para sa Maharlika Investment Commission.
Sabi ng DOJ, malinaw ang isinasaad ng Konstitusyon na tanging mga Filipino citizen lamang ang maaaring maging opisyal o empleyado ng pamahalaan. | ulat ni Michael Rogas