Halos nasa walong daang libo na ang mga nagpatala sa Commission on Election para makaboto sa 2025 Midterm election.
Batay sa pinakabagong datos na inilabas ng Comelec, nasa 784,831 na ang nagpa-rehistro sa buong bansa para maging botante sa halalan.
Pinakamarami na ang nagpa-rehistro sa Calabarzon na nasa higit 140,000, na sinundan ng NCR, at Central Luzon.
Target ng Comelec na madagdagan pa ng 3-milyon ang kasalukuyang bilang ng mga rehistradong botante na 68-million.
Hanggang September 30 ang voter registration sa lahat ng tanggapan ng Comelec at mga piling voter registration sites, na bukas mula Lunes hanggang Sabado, alas-8:00 hanggang alas-5:00 ng hapon, pati sa araw ng holiday. | ulat ni Michael Rogas