Tumanggap ang limang Sustainable Livelihood Program o SLP Associations sa Catanauan at General Luna, Quezon ng seed capital fund mula sa DSWD kamakailan.
Ayon sa pabatid ng LGU Catanauan, bawat isang samahan ay pinagkalooban ng halagang mula P360,000 hanggang P450,000 bilang puhunan sa napili nilang kabuhayan.
Una rito ay sumailalim ang mga benepisyaryo sa ilang araw na lakbay-aral upang magkaroon sila ng pangunahing kaalaman tungkol sa pagnenegosyo.
Ang nasabing SLP Associations ay ang Magkupa SLPA, Aruga sa Tagumpay SLPA, at San Jose Masigasig SLPA ng Catanauan, gayundin ang Lavides Katagumpay SLPA at Recto Bagong Suerte SLPA ng General Luna. | ulat ni Mara Grezula | RP Lucena