Sang-ayon si Senador JV Ejercito sa ibinabang kautusan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal sa national roads ang mga e-trike.
Binigyang diin ni Ejercito na delikado talaga ang mga e-trike sa malalaking kalsada lalo na kung makakasabay ng mga ito ang mga bus at mga truck.
Ipinunto pa ng senador na gawa lang rin sa light materials ang mga e-trike kaya madali lang itong mapipiit kahit pa tricycle o motor lang ang makabangga nito.
Idinagdag rin ni Ejercito na wala ring lisenssya ang karamihan sa mga nagmamaneho ng mga e-trike at walang alam sa mga batas kalsada kaya delikadong hayaan sila sa malalaking kalsada.
Sinabi pa ng mambabatas na kung ipinagbawal ito sa Metro Manila, ay dapat ring ipagbawal ang e-trike sa sa malalaking kalsada sa mga probinsya at iba pang bahagi ng bansa.
“So I think for national roads tingin ko talaga dapat hindi po nandun. More for safety kasi nga hihintayin pa ba natin na may mamatay, fatal o accidents. Pero kung sa mga local barangays, barangay roads, mga municipal roads, palagay ko din pwede…” — Sen. JV Ejercito. | ulat ni Nimfa Asuncion