Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc sa Kamara para paimbestigahan insidente ng hacking at pag-leak ng mga personal na impormasyon mula sa data base ng Department of Education, Department of Information and Communications Technology at iba pang mga ahensya ng gobyerno.
Binigyang diin ng mga mambabatas sa House Resolution number 1610 na nakababahala ang serye ng cyber attacks sa mga government agencies.
Ang insidente ng data breach incidents ay hindi lang kasi anila naglalagay sa kompromiso ang mga personal data ng iba’t ibang indibidwal, kundi nagpapahina din sa tiwala ng publiko at sa pambansang seguridad.
Tinukoy din dito ang report ng Kaspersky Security Network na pang-apat ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na bukas sa web threats.
Kaya mahalaga abila na makapagkasa ng pagsisiyasat sa mga nabanggit na mga paglabag sa Data Privacy Act, Cybercrime Prevention Act, at iba pang kaukulang batas upang mapanagot ang nasa likod nito at hindi na mangyari muli. | ulat ni Kathleen Jean Forbes