Unpaid claims ng distressed OFWs sa Saudi Arabia, maibibigay na ngayong taon ayon sa DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na nasa final stage na ang pakikipag-usap sa gobyerno ng Saudi Arabia hinggil sa hindi nabayarang claims ng Overseas Filipino Workers na nawalan ng trabaho matapos mabangkarote ang pinasukang kumpanya.

Sa pulong-balitaan ngayong umaga, sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na kumpiyansa silang maibibigay na ang claims para sa mahigit sampung libong distressed OFWs ngayong taon dahil nagkaroon na ng linaw ang proseso at komunikasyon.

Aasikasuhin na ng DMW ang opisyal na listahan ng claimants na siyang isusumite sa Ad Hoc Committee para aprubahan.

Para magawa ito, dapat na mag-email ang claimant sa [email protected] gamit ang official template na humihingi ng personal information, IQAMA Number at detalye ng naging trabaho sa naturang bansa.

Ipinaliwanag ni Ople na kapag naaprubahan na ng komite ay ibibigay ito sa Ministry of Human Resources and Social Development sa Saudi para masimulan ang distribusyon ng claims.

Target ng ahensya na makumpleto ang listahan pagkatapos ng Ramadan o sa May 1 kaya sakaling walang access sa e-mail ay maaaring humingi ng tulong sa PESO Manager o OFW Desk sa munisipyo at City Hall.

Kaugnay nito, nakatakdang tumulak si Ople patungong Saudi sa May 24 para muling makipagpulong at alamin kung kailan matatanggap ang claim at paano ito makukuha. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us