Patuloy ang aksyon ng pamahalaan kontra sa dengue.
Sa pinakahuling tala ng Department of Health, mayroong 11 % decrease sa kaso ng dengue ngayong taon sa buong bansa mula Enero 14 hanggang 27, nasa mahigit 7,000 kumpara noong Enero 1 hanggang 13 na pumalo sa mahigit 8,000.
Nagtuloy-tuloy naman ang pagbaba ng kaso ng dengue mula January 28 hanggang February 10 na nasa mahigit 5,000 na lamang.
Pero sa kabila nito ay nakapagtala naman ang ahensya ng 67 nasawi dahil sa nasabing sakit dahilan kaya nasa 0.32% ang case fatality rate ng bansa ngayong 2024.
Dahil dito ay patuloy ang ginagawang pag-monitor at assessment ng DOH kasabay ng paghihikayat sa publiko na palakasin pa ang 5s strategy (search and destroy mosquito breeding sites, use self protection measures, seek early consultation, say yes to fogging where needed at start and sustain hydration). | ulat ni Lorenz Tanjoco