Bilang pagtalima sa adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na Bagong Pilipinas, ay ibinida ng Philippine Reclamation Authority sa international investors ang mga proyekto nito.
Sa pagharap ni PRA Chairperson Alex Lopez sa foreign investors, ipinakita nito ang plano ng kanilang ahensya sa Manila Bay kung saan ipinagmalaki nito ang makabagong disensyo habang napapanatili ang pag-aalaga sa kalikasan.
Giit pa ni Lopez na ang PRA ay hindi lang sa reklamasyon naka-focus dahil unang nakilala ang kanilang ahensya bilang public estate’s authority na siyang nakatutok sa mga development ng mga lupaing pagmamay-ari ng bansa.
Hinikayat ni Lopez ang mga mamumuhunan na makiisa sa potensyal ng mga reclaimed area kung saan pagmumulan ng tuloy-tuloy na development at manguna sa pag-unlad nito. | ulat ni Lorenz Tanjoco