Pinuri ng opposition leader ng Australia na si honorable Peter Dutton si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bunsod ng ipinapakita nitong katatagan upang ipaglaban ang soberanya ng bansa.
Sa harap ng Australian Parliament, inihayag ni Dutton na kaniyang pinupuri si Pangulong Marcos Jr. dahil sa ipinamalas nitong tapang upang protektahan ang territorial rights ng Pilipinas at sa patuloy na commitment nito sa rules-based international order.
Batid aniya ng Pilipinas na ang mga pagbabantang natatanggap nito ay tunay.
Inalala pa ng opposition leader ang ganitong mga pahayag ng Pangulo na binigkas noong nagdaang State of the Nation Address na aniya’y umani ng masigabong palakpakan.
Mula aniya sa ganitong mga pahayag, sinabi ni Dutton na dapat lang na magsama-sama ang aniya’y partners and friends at magsalita din ng buong tapang na bigyang tugon ang anumang akto ng pananakot. | ulat ni Alvin Baltazar