Naniniwala si Philippine Reclamation Authority General Manager Cesar Siador Jr. na hindi magdudulot ng malawakang pagbaha sa Metro Manila ang mga proyekto ng kanyang ahensya sa Manila Bay.
Ayon kay Siador, marami nang pag-aaral hinggil sa pangamba ng pagbaha sa Metro Manila at lumalabas aniya na hindi mangyayari ang sinasabi nitong siyam na metrong taas na baha.
Aniya, magiging tuloy-tuloy ang agos ng tubig palabas ng dagat sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan.
Paliwanag pa ni Siador Jr. kasamang plinano sa mga reclamation project ng PRA ang pagbaha sa Metro Manila.
Kasabay nito hinimok din ng opisyal ang publiko na tumulong sa pagbabantay at pag-monitor sa mga proponent na gumagawa ng reklamasyon para mas masiguro na makaiwas sa pagbaha sa Metro Manila. | ulat ni Lorenz Tanjoco