Hinimok na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mag-leave of absence ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) habang iniimbestigahan ang kontrobersyal na bentahan ng NFA rice.
Layon nito upang mabigyan ng free-hand ang binuong panel of investigators para gawin ang kanilang trabaho.
Sinabi ng kalihim na kikilos ang DA base sa resulta ng isinasagawang internal investigation na inaasahang agad matatapos sa lalong madaling panahon.
Isang NFA official ang nag-akusa sa ilang executives ng ahensya ng hindi wastong pagbenta ng NFA rice ng walang bidding at
sa presyong di umano’y naagrabyado ang gobyerno.
Pero, itinanggi naman ito ng NFA executives at sinasabing nasunod ang procedures sa bentahan.
Nauna nang ipinag-utos ni Secretary Tiu Laurel ang malalimang imbestigasyon, nang mabunyag ang libo-libong tonelada ng NFA rice na ibenebenta sa mga rice trader.
Bukod sa walang bidding,
ibenebenta lamang ang bigas sa ₱23.00 kada kilo na mas mababa sa ₱25.00 kada kilo na binili ng NFA. | ulat ni Rey Ferrer