Umabot na sa 25,762 pamilya o katumbas ng 95,337 indibidwal ang apektado ng bagyong Amang.Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga naapektuhan ay residente ng 162 barangay sa Region 5.
Nasa halos 3,000 mga pamilya o katumbas ng mahigit 12,000 mga indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 76 na evacuation centers habang ang walong pamilya ay piniling makituloy muna sa kanilang mga kamag anak.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy ang gobyerno sa pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng bagyo.
Nasa ₱300,000 na ang inilabas ng pamahalaan para sa family food packs. | ulat ni Leo Sarne