Patuloy pa ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa kanilang isinasagawang National ID Registration para sa mga Pilipino sa Malaysia.
Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, national statistician and civil registrar general, pinasimulan ang Philsys Registration noong February 23 at tatagal pa hanggang March 21, 2024.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy at Migrant Workers Office sa Kuala Lumpur.
Bukas ito, Lunes hanggang Huwebes mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Sinabi pa ni Mapa na ang pagpaparehistro ng National ID sa ibang bansa ay isang patunay ng dedikasyon ng gobyerno sa paglilingkod sa mga Pilipino saan man sila naroroon.
Ang National ID ay nagiging gateway sa maraming mahahalagang serbisyo, pagpapasimple ng mga transaksyon at pagbibigay kapangyarihan sa mga Pilipino sa ibang bansa. | ulat ni Rey Ferrer