Hindi nakikita ng pamahalaan na tataas ang presyo ng LPG para sa buwan ng Marso.
Katunayan ayon kay Energy Director Rino Abad, inaasahan pa nila ang rollback sa presyo ng LPG na kung hindi ngayong Marso ay magsisimula sa Abril, at magtutuloy-tuloy na hanggang Setyembre.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ng opisyal na ito ay dahil patapos na ang winter season sa mga bansa sa Northern hemisphere, at patungo na sa spring at summer season ang mga ito.
Nangangahulugan lamang aniya ito ng pagbababa na ng demand sa LPG mula sa global market, na magri-resulta sa pagbaba rin ng presyo nito.
“Ang computation natin ay parang wala rin, ang estimate namin .03 ang increase sana per kilogram, pero ang ginawa na lamang na notification ng oil company, no adustment.” -Dir Abad. | ulat ni Racquel Bayan