Tourism Sec. Frasco, sinalubong ang nasa 1,400 foreign tourists mula sa South Korea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinalubong ni Tourism Secretary Christina Frasco ang mga foreign tourist mula sa South Korea na nais bumista sa mga tourism site sa bansa.

Umabot sa 1,400 na turista ang sinalubong ng kalihim sa Mactan Cebu International Airport, at ito na ang ikalawang batch mula sa naturang bansa.

Ani Frasco, na malugod nilang ikinatuwa ang pagdating ng turista mula sa Korea, at hangad nito na malaki ang maiaambag ng mga ito sa tourism recovery ng Pilipinas.

Kaugnay nito, umabot na sa 1.5 million foreign tourist arrivals na ang naitatalang tumungo sa ating bansa upang magbakasyon.

Samantala, inaasahang maaabot ang target nitong tourist arrivals ngayong taon na nasa mahigit apat na milyon na tourist arrivals sa bansa. | AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us