Nagpaabot ng pagbati si Manila Representative Joel Chua sa mga bagong abogado.
Kasunod ito ng paglalabas ng Supreme Court ng resulta ng Bar Exams kung saan 3,992 sa 9,183 examinees ang pumasa.
Payo ni Chua, na sa pagsisimula ng kanilang bagong papel bilang mga abogado ay magbigay serbisyo sila sa kanilang komunidad at hometown.
Mungkahi pa nito, na alamin ang Barangay Justice System ng kanilang lugar upang agad na mai-apply ang mga napag-aralan.
Maigi rin aniya na maging pamilyar sila sa mga problemang legal patungkol sa birth certificates, adoption, at kahit pa housing.
Ito kasi aniya ang karaniwang mga nagiging problema ng mga kakilala nila.
Mukha man aniya itong simple at maliit na bagay ngunit ito aniya ang pinaka esensya ng public service.
“You’ve only just begun to live and serve, so I urge you to start off on the right foot by committing yourselves to serve your neighbors and hometowns….You grew up with them, you know the stories of their lives, you know their troubles, including their legal woes…These steps may be simple but they can inspire new lawyers to make public service a key aspect of their legal career.” ani Chua. | ulat ni Kathleen Forbes