Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang pagdiriwang ng National Women’s Month sa lingguhang flagraising ceremony sa Kampo Crame ngayong umaga.
Dito, binigyang parangal ng PNP ang 10 natatanging babaeng pulis na nagpakita ng katangi-tanging dedikasyon habang kanilang ginagampanan ang tungkulin bilang mga alagad ng batas.
Nagpasalamat din si Acorda sa iba’t ibang grupo na nagsusulong sa kapakanan, karapatan ng mga babae at pagkakapantay-pantay o gender equality.
Kasunod nito, pormal ding inanunsyo ni Acorda ang paglulunsad ng Project Aling Pulis Everywhere kung saan, daragdagan pa ang mga babaeng pulis na ipakakalat sa bawat himpilan.
Sila ang naatasang duminig at umaksyon sa mga sumbong partikular na sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga babae at bata sa pamamagitan ng Women and Children’s Protection Desk sa mga istasyon ng Pulisya sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala