Nagpadala na ng barko ang Philippine Coast Guard (PCG) para magpatrolya sa Benham Rice sa loob ng dalawang linggo.
Ito’y matapos mamataan sa naturang karagatan ang ilang barko ng China noong nakaraang linggo na tila nagsasagawa ng kakaibang aktibidad.
Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil Gavan, ipinag-utos niya ang pagbyahe ng BRP Gabriela Silang para sa two-week mission sa Batanes at Benham Rise simula ngayong araw.
Ang naturang barko ay mapa-patrol sa karagatan sakop ng silangang bahagi ng Pilipinas para magsagawa ng maritime domain awareness, pag-igtingin ang presensya ng Coast Guard sa Northern Luzon, at i-monitor ang hanapbuhay ng mga lokal na mangingisda.
Samantala, ang mga air assets ng Coast Guard Aviation Force ay naka-standby para sa posibleng augmentation lalong-lalo na sa aerial surveillance. | ulat ni Mike Rogas
#RP1News
#BagongPilipinas