Papalo sa $1.53 bilyon ang mga investment na napirmahan ng Pilipinas at Australia sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Melbourne.
Sa talumpati ni Trade Sec. Alfredo Pascual sa Philippine Business Forum sa Melbourne, inaasahan nito na ang mga naturang investment ay magpapalago sa ekonomiya hindi lang ng Pilipinas kundi maging ang sa Australia.
Patunay din aniya ang naturang mga kasunduan ng commitment ng bansa sa isang magandang partnership sa iba’t ibang sektor gaya ng renewable energy, waste to energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives, pagtatayo ng mga data center, manufacturing of health technology solutions at digital health services.
Pinsalamatan din ng Kalihim ang mga investor at sinabing panatilihin ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa pagkakaroon ng oportunidad.
Umaasa din si Pascual ng matagumpay na implementasyon ng mga nasabing proyekto kasabay ng pagtaguyod sa Bagong Pilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco