Visa fee sa Embahada ng Estados Unidos, nagtaas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng US Embassy sa ating bansa ang pagtaas ng “visa fee” epektibo sa May 30, 2023.

Sa advisory na ilabas, itinaas ng US Department of State ang ilang “non immigrant visa” o NIV application processing fees sa buong mundo.

Ang application fee ay papalo na mula sa $160 hanggang $185 para sa “visitor’s visa” ng “business o tourism” (B1/B2s); at iba pang non-petition based NIVs gaya ng mga estudynate at exchange visitor visas.

Habang mula sa $190 ay itataas na sa $205 ang application fee para sa ilang petition-based NIVs para sa temporary workers.

Pagdating naman sa application fee para sa treaty trader, treaty investor, at treaty applicant sa specialty occupation — ito ay itataas sa $315 mula sa $205.

Samantala, ang ibang consular fees ay mananatili gaya ng “waiver” ng 2-year residency na “required fee” para sa tukoy na exchange visitors.

Ang mga aplikante naman na nakabayad na ng visa application fee na “valid at non-expired” pero hindi pa nakakaharap sa visa interview o naghihintay pa na maproseso ay hindi papatawan ng dagdag na fees. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us