Ginarantiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa mga business leaders ng Australia na isang magandang lugar ang Pilipinas para paglagakan ng pagnenegosyo gaya ng manufacturing and services business.
Ang garantiya ay ginawa ng Pangulo sa gitna ng panghihikayat ng Chief Executive sa mga dayuhang negosyante na maglagak ng kanilang investment sa bansa.
Ayon sa Pangulo, tuloy- tuloy ang pagsisikap ng pamahalaang Pilipinas para mas maging madali sa mga investors na makapa- lagak ng kanilang negosyo sa Pilipinas.
Kabilang dito ang pagsusulong ng legislative amendments na magpapa- streamline sa mga business registration at pag-overhaul ng fiscal incentive structures and responsive policies.
Kaya ang paanyaya ni Presidete Marcos, ikunsidera ang Pilipinas bilang isang reliable partner na susuporta sa kanilang pagpapalawig pa ng kanilang operations sa bansa. | ulat ni Alvin Baltazar