Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang galing ng Pinoy na aniya ay kaya nang makipagsabayan sa mga bansang may advance economies.
Ang pagbibigay puri ay ginawa ng Pangulo sa ginawa nitong pagsaksi sa pagbubukas ng phase 3 ng Victoria International Container Terminal (VICT) sa Australia, na pag- aari ng negosyanteng Pinoy na si Enrique Razon na siya ring may ari ng International Container Terminal Services, Inc. o ICTSI na kalat na sa may 19 na bansa.
Ayon sa Pangulo, pinapakita lamang ng expansion na hindi nagpapahuli ang mga kumpanyang Pinoy kung pag-uusapan ay larangan ng advanced economies sa buong Mundo.
Isa aniyang nagniningning na halimbawa ang pagbubukas ng Victoria International Container Terminal sa Australia, na ang galing ng Pinoy ay may malaking kontribusyon sa maayos na daily flow of trade and commerce sa daigdig.
Ang VICT ay kauna-unahang automatic container terminal sa Australia at isang sangay ng International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI), sa Melbourne na pag- aari ni Razon. | ulat ni Alvin Baltazar