Umaasa si Sen. Loren Legarda na mapalawak pa ang suporta ng pamahalaan sa mga kababaihang katuwang sa pagpapataas ng produksyon sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Inihayag ito ng senador sa isinagawang pagdiriwang ng women’s month ngayong araw sa Department of Agrarian Reform o DAR.
Aniya bagamat mayroon nang mga suporta mula sa pamahalaan gaya ng mga farm equipment ay kailangan pa itong dagdagan at paigtingin ng pamahalaan.
Bukod dito ani legarda, ay kailangan ng mga kababaihan ang mas marami pang mga training para mapaunlad pa ang kinabibilangan nilang mga asosasyon at kooperatiba.
Mahalaga aniya ito sa food production ng bansa lalo’t 26% ng mga nagtatrabaho sa agri at agra sector ay binubuo ng mga kababaihan.
Bukod kay Sen. Legarda, kabilang din sa mga kababaihang mambabatas na panauhin sa dar women’s month celebration ay sina bulacan third district cong. Lorna silverio at si sorsogon first district congw. Dette escudero.
Samantala pinangunahan naman nina dar undersecretary niña taduran at amihilda sangcopan bilang mga opisyal ng DAR national steering committee on gender and development ang pagbibigay ng pagkilala sa mga kababaihang empleyado at arbs na may malaking kontribusyon sa lipunan. | ulat ni Merry Ann Bastasa