Balik normal na ang opersayon ng mga portal server ng Department of Migrant Workers (DMW) matapos na bumagal ang portal nito kaninang umaga.
Ayon sa Management Information and Technical Services ng kagawaran, naging matagumpay ang pag-restore ng server portal dahil sa pagkakaroon ng problema sa power servers nito.
Muli namang humingi ng paumanhin ng DMW sa ilang pagka-delay ng mga online issuance ng Overseas Employment Certificates (OECs) sa NAIA terminals na papaalis na overseas Filipino workers (OFWs).
Samantala, nagdagdag na ng tauhan ang DMW na tutulong sa mga paliparan dito sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio