Humingi ng paumanhin si MIAA OiC General Manager Eric Ines sa publiko sa naging sanitary lapses sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang nangyaring insidente ng surot sa mga upuan ng paliparan.
Aniya na inaako niya ang naging insidente at inatasan na niya ang pest control upang alisin na ang mga pesteng surot sa mga upuan sa NAIA terminals.
Dagdag pa ni Ines na patuloy ang kanilang pag-pest control sa mga paliparan upang hindi na maulit ang nangyaring insidente.
Samantala, muli namang siniguro ni Ines na hindi na muli mararanasan ang nanyaring peste sa mga waiting chairs ng NAIA upang hindi na muling maperwisyo ang mga airline passengers.| ulat ni AJ Ignacio