931 farmers’ cooperatives, kumikita ng Php2.35B mula sa Kadiwa sales—DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

??? ???????’ ????????????, ???????? ?? ??.??? ???? ?? ?????? ?????—??

Mula nang pasimulan ang KADIWA noong 2019, humigit-kumulang 931 farmers’ cooperatives and associations at agri-based enterprises ang sumali sa programa.

Sa ngayon, base sa ulat ng Department of Agriculture (DA), nakabuo na ang mga ito ng kabuuang benta na abot sa P2.38 bilyon.

Isa dito ang Sta. Ana Agricultural Multi-Purpose Cooperative, na may average na taunang benta na kalahating milyong piso (₱500,000) mula sa pakikilahok nito sa DA Kadiwa marketing program.

Ang nasabing kooperatiba, na nakabase sa Sta. Ana, Pampanga ay regular na lumalahok sa Kadiwa markets sa iba’t ibang lokasyon sa Metro Manila, Zambales at Pampanga at iba pa.

Ayon sa DA,pangunahing produkto ng kooperatiba ay bigas at mga gulay. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us