Welcome para kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang desisyon ng Department of Justice na sampahan na ng kaso si Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Brosas, panahon na para kumilos ang DOJ para panagutin si Quiboloy.
Nitong Lunes, mismong si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang nag-atas sa City Prosecutor ng Davao na isampa na sa korte ang mga kasong kriminal laban kay Quiboloy at limang iba pa.
Kabilang sa mga kasong ipinasasampa laban kay Pastor Quiboloy ay child abuse, sexual abuse of a minor at qualified human trafficking alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 7610.
“It’s about time that the Department of Justice take a decisive step in filing a case of child abuse and trafficking against Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy. For too long, the cries of child abuse and trafficking victims have fallen on deaf ears, their anguish brushed aside, while Quiboloy evaded justice.” sabi ni Brosas.
Umaasa naman ang lady solon na paninindigan ng DOJ ang pagsasampa ng kaso at hindi mauuwi sa pagpapaasa lang sa mga biktima.
Panawagan din ng mambabatas ang isang masusi at impartial na imbestigasyon ng kaso upang tunay na makamit ng mga biktima ang hustisya.
“While we welcome this development, we hope that this step is not just another false hope or mere PR stunt. We call for a thorough and impartial investigation to ensure that justice will indeed be served. The victims deserve nothing less than full reparation for the trauma they have endured.” giit ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes