Water-related infra projects, tinututukan na ng pamahalaan bilang paghahanda sa El Niño

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok ang pamahalaan sa mga water related infrastructure projects sa bansa, bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng El Niño sa Pilipinas.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na ngayong 2023 nasa ₱750 million ang pondo ng gobyerno para water augmentation farms, small scale irriagtion projects, at solar irrigation projects.

Kabilang na rin aniya dito ang iba pang proyekto na tutugon sa pangangailangan sa patubig.

Ayon sa opisyal, mahigpit na rin ang ginagawang pakikipagugnayan ng DA sa National Irrigation Administration (NIA) para sa mga proyektong ito, lalo’t ang layunin lamang naman ng Marcos Administration ay mapaghandaan at makatugon sa pangangailangan ng mga probinsyang maaapektuhan ng El Niño sa ikatlo at ikaapat na quarter ng 2023.

“Nakikipag-coordinate tayo sa National Irrigation Administration. For 2023 malaki ang pondo ng NIA for irrigation projects, so gusto lang natin masigurado na iyong mga actvities nila naka- align, doon sa mga prayoridad na probinsya at lugar na pwedeng maapektahan ng El Niño, pagdating ng 3rd at 4th quarter ng taon kasalukuyan.” —Asec de Mesa.

| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us