Sanib pwersa ngayon ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para palakasin ang ang mga skill set ng tauhan ng DILG.
Pirmado na nina TESDA Director General, Secretary Suharto Mangudadatu at DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na tutulong para mas mapagyabong ang mga kakayanan ng empleyado ng DILG.
Ayon kay Secretary Mangudadatu, mahalaga ang naturang pagtutulungan ng dalawang ahensya ng pamahalaan para maipatupad ang programa ng TESDA na “TESDA Sa Barangay” program na naglalayon na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para maibigay ang Technical, Vocational Education and Training (TVET).
Dagdag pa ni Mangudadatu, ang kolaborasyon ng dalawang ahensya ay magsisigurado na mayroong access ang mga lokal na komunidad sa mga nababagay na kakahayan at training para magkaroon ng angkop na employment opportunities. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: TESDA