Hinikayat ni Finance Secretary Ralph Recto ang Australian investors na maging bahagi ng ‘blockbuster’ growth story ng Pilipinas.
Kabilang si Recto sa opisyal na delegasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang biyahe sa Australia para sa ASEAN-Australia Summit.
Ito ang ibinahagi ni Recto sa ginanap na Philippine Business Forum sa Melbourne, Australia na dinaluhan ng 100 Australian business at investment leaders.
Inilatag ng Kalihim ang mga komprehensibong plano upang makahikayat ng mga mamumuhunan sa bansa sa pamamagitan ng Growth Enhancing Actions and Resolution (GEAR) na kaakibat ng Medium-Term Fiscal Framework.
Hinimok ni Recto ang mga Australian investor na mamuhunan sa infrastructure flagship project ng Marcos Jr. administration na nakahanda na para sa PPP investment.
Tiniyak din ng DOF chief ang maayos na pangangasiwa ng gobyerno sa mga investment na ilalagak sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
📷: DOF