Naka- monitor si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lagay ng kalusugan ni dating First Lady Imelda Marcos, makaraang itong dalhin sa ospital dahil sa pneumonia.
Pahayag ito ng pangulo, sa gitna ng pagiging abala sa kaliwa’t kanang aktibidad sa Melbourne, Auatralia, para sa pakikibahagi sa ika-50 ASEAN -Australia Summit.
Sabi ng Pangulo, nakausap na niya ang mga doktor ng kaniyang ina, kung saan ipinabatid sakaniya na mayroong slight pneumonia ang dating Unang Ginang at mayroong lagnat.
Una na rin aniya itong nabigyan ng antibitotics. At kumpiyansa ang mga doktor nito na bababa na rin ang lagnat ng dating Unang Ginang.
“I just spoke with my mother’s doctors. She is suffering from slight pneumonia and is running a fever. She has been put on a course of antibiotics and the doctors are confident that this will relieve her fever.” —Pangulong Marcos.
Pagsisiguro ng Pangulo, hindi nahihirapan sa paghinga ang dating Unang Ginang at nagpapahinga na lamang sa kasalukuyan.
Kaugnay nito, nagpasalamat rin ang Pangulo sa mga nagpaabot ng concern at panalaging para sa agarang paggaling ng dating Unang Ginang.
“She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well. I thank the Filipino public for their concern and prayers.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan