Naglunsad ng Embahada ng India sa Pilipinas ang kauna-unahang Indian Tech Summit sa bansa na naglalayon mai-adapt ng Pilipinas ang ipinagmamalaking technological advancement ng India sa kanilang bansa.
Ayon kay Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran na bukod sa pagpasok ng ibang Indian technological companies sa bansa at nais nitong umalalay sa pagbahagi ng makabagong teknolohiya sa sektor ng agrikultura at digital economy maging sa sektor ng government technology at sa artificial intelligence o AI at medical technology.
Dagdag pa ni Ambassador Kumaran na isa sa layon ng naturang tech summit na maipamalas ang ng technology companies ang mga kanilang mga produkto at ang kanilang advancement sa larangan ng information technology at sa iba png mga sektor.
Samantala, inaasahan magakakaron ng memorandum of agreement mula sa pribadong sektor sa Pilipinas at sa mga kumpanya mula sa India sa pagkakaroon ng collaboration mula business sektor ng dalawang bansa.| ulat ni AJ Ignacio