Umaapela ang Globe Telecom sa pamahalaan na palawigin pa ang panahon ng SIM card registration sa bansa, lalo’t 29 million o 33% pa lamang ng kanilang subcribers ang nakapagparehistro na ng kanilang SIM card.
Pahayag ito ni Globe Telecom Atty. Ariel Tubayan, labing dalawang araw bago ang deadline ng SIM card registration.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Tubayan na isa sa dahilan kung bakit nananatiling mababa ang turn out ng mga nagpaparehistro ay ang kakulangan pa rin ng ID.
Ang kanilang kumpaniya aniya, pormal nang nagsumite ng request sa DICT upang palawigin ng 120 araw ang registration.
Mahigpit na rin ang ginagawa nilang pakikipagugnayan sa mga lokal na pamahalaan, upang mahikayat ang publiko, na i-rehistro na ang kanilang SIM card.
“Halos araw araw labas kami ng blast, para i-remind ang ating mga kababayan, na sila ay dapat na mag-regihistro kung hindi ay mapuputulan ng serbisyo. Liban dito, nakipagtulungan kami sa iba’t ibang LGU, and then sa mga assisted SIM registration ng NTC at DICT. Halos araw – araw nangyari ito. Gayunpaman, kulang na kulang po ang panahon para mai-rehistro silang lahat.” —Atty. Tubayan
| ulat ni Racquel Bayan