Nag-abiso ang pamahalaang Lungsod ng Quezon na ilang kalsada sa lungsod ang pansamantalang isasara sa motorista upang magbigay daan sa “Kick-off Celebration of Women’s Month: SUMAYAW AT UMINDAK 2.0 ng tanggapan ni District 6 Representative Marivic Co-Pilar.
Kabilang sa isasara sa trapiko ngayong umaga ang kahabaan ng Visayas Avenue corner Tandang Sora Avenue hanggang Visayas Avenue corner Congressional Avenue tapat ng Landbank. Habang gagawing zipper lane naman ang kabilang lane ng Visayas Avenue papuntang Congressional Avenue.
Tatlong lugar ang magsisilbing assembly place ng tinatayang nasa 6,000 makikiisa sa selebrasyon. Ito ang Santuario de San Vicente de Paul Parish, KFC Philand Congressional, at Dunkin Donuts Visayas Avenue.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng LGU na tutulong at nakaantabay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar.
Pinapayuhan din ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta. | ulat ni Merry Ann Bastasa