Masusing binabantayan ngayon ng Department of Finance (DOF) ang pagpapatupad ng mga istratehiya sa ilalim ng Reduce Emerging Inflation Now (REIN) plan upang ma-mitigate ang epekto ng El Niño at matiyak ang food security.
Ang 3.4 percent inflation ay bunsod sa pagtaas ng food inflation, non-alcoholic beverages, restaurants at accommodation services, at housing rentals.
Kabilang sa naapektuhan kasi ng El Niño ang mga bansang nag-iimport ng bigas gaya ng Thailand kaya nagkaroon ng supply-demand imbalance, habang nakadagdag din ang mataas na presyo ng bigas ang “importation curb” ng India.
Ayon sa DOF, inaasahang maramdaman ngayong buwan hanggang Mayo ang epekto ng El Niño.
Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, nananatiling top priority ng administrasyon ang pagbaba ng inflation at potektahan ang purchasing power ng mga Pilipino.
Aniya, magkatuwang ngayon ang pamahalaan at ang Bangko Sentral ng Pilipinas para sa paglalatag ng non-monetary at monetary measures para sa katatagan ng presyo sa merkado. | ulat ni Melany Valdoz Reyes