Isang drug den sa Bulacan, sinalakay ng pinagsanib puwersa ng PDEA at PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police ang isang drug den sa barangay Gaya Gaya sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Pasado alas-9:30 ng gabi nang salakayin ng mga operatiba ng PDEA at PNP ang naturang drug den at nahuli ang aktwal na pagbebenta ng illegal na droga.

Huli sa operasyon si Angelo Villanueva y Manucan, 31y/o, Ronaldo Rumaldo y Gilarman, 49y/o, John Carlo Delapa y Ansale, 23y/o, Ronnel Cantiveros y Adlawan ,22y/o, at si John Paul Tingle 24 years old,

Nahuli sa naturang mga suspek ang anim na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng nasa mahigit P13,000 at iba pang mga assorted drug paraphernalia at marked money.

Mahaharap ang naturang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us