Nakipagtulunagn ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Valenzuela local government para sa paglulunsad ng Farm@Aralan na isang Climate Change Adaptation and Mitigation Cash for Work Program.
Sa ilalim nito, bubuo ng vegetable garden ang mga benepisyaryo sa loob ng piling eskwelahan na maaaring mapakinabangan sa hinaharap.
Ayon sa DSWD, aabot sa 3,552 ang napiling benepisyaryo ng programa sa 70 pampublikong paaralan sa lungsod.
Nitong Martes, sabay-sabay nang naglinis ang mga ito ng planting sites o lupang pagtataniman ng mga halaman.
Sa unang linggo ng programa, nakapokus ang gawain sa paghahanda ng taniman. Kabilang na rito ang paglilinis, pagbubungkal, pagkokondisyon ng lupa, paghahanda ng iba pang paglalagyan, paggawa ng balag para mga halamang gumapagapang, at paggawa ng sisidlan.
Nakaangkla ito sa hangarin ng Administrasyong Marcos na makamit ang food security sa mga komunidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa