Inaasahan na tatapusin na ngayong araw ng Committee of the Whole House ang interpelasyon para sa Resolution of Both Houses no. 7 o panukalang Economic Charter Change.
Ayon kay Mandaluyong City Representative Neptali Gonzales II, na siyang tumatayong floor leader ng Committee of the Whole, itutuloy ang pagbusisi sa RBH7 hanggang tanghali.
Lilimitahan naman ang interpelasyon sa mga bagong isyu.
Matapos nito ay ite-terminate ang deliberasyon at pagtitibayin ang RBH7.
Matapos nito ay gagawa naman ang House Secretariat ng Committee Report na siya ring ia-adopt para maiakyat na sa plenaryo.
Ang RBH No. 7 ay katulad ng RBH No. 6 ng Senado, na layong amyendahan ang Articles 12, 14, at 16 ng 1987 Constitution. | ulat ni Kathleen Jean Forbes